Wednesday, February 23, 2011

Metamorposis v.1

-

At sa aking pagkauhaw

Ay naghanap ako ng tubig

sa aking uhaw, pamatid

Habang ako'y nasa iyong bisig.

-

Ngunit wala.

-

Madaming ulit, ako'y nanangis

Aking pangungulila ay labis

Sa iyong kalinga, totoong taos

Aking puso'y inilagak ng lubos;

Payapa na ako, ngunit kapos.

-

Naranasan ko ang hagupit

Ng iyong paglayo, o aking langit

At ang ginaw at ang lamig

At ang talim ng iyong pagtitig

Ginunaw mo ang dating ako

At pinalitan ang aking pagkatao

Niluray mo ang aking gusto

At pinalitan ng sa iyo.

-

Hindi ako nakalalaban sa iyo

Ni hinanakit, wala ako.

-

Sino na ako, sa aking sarili?

Sino ako ngayon, at nasaan ang dati?

Ganap ng ako'y di ko na kilala

At ang pagbabago'y di ko na inalintana

-

At sa aking pagkauhaw, nakita'y ikaw

Ang iyong nais, sa'kin ngayo'y ipataw

Mamalas ko ang iyong kagandahan

Ang tubig, sa bibig ko'y madampian

Ng iyong labi; Na sa aki'y huhupa

Init at uhaw, na sa iyo din nagmula.

-

--vash--

1/17/11












"Paghanap sa Ako"

No comments: