Saturday, September 13, 2008

At Dahil Ako ay Isang Guro

Sa pagtatapos ng isang ala-ala
Nais kong muling may makita
Na sa totoo ay walang halaga
Ang lahat ng mga ilusyon at katha

At sa aking pag-alis
Sa daan na aking paglihis
Ay maaninag ang isang pag-asam
Maalala na ang oras ay hiram

Na walang kabuluhan ang mga ngiti
Na walang ibang minithi
Kundi magpaliban at manlinlang
At sa lahat ay mapailanlang

Ng mga hinaing na walang makakarinig
At yakap ng malalamig na bisig
Sa mga matang wala ng lakas
Na humarap at tumingin sa bukas

Sa pag-asang nanghihina
Sa taong ibig magpahinga at mawala
Sa mga pangarap na hindi maabot
Bangkang papel sa gitna ng laot

Sa mga salitang walang laman
Gaya rin ng damdaming nasasaktan
Paglimot sa lahat ng sakit
Katuwaan sa bawat pait
Pagyakap sa bawat dilim at gabi
Pagsasalita, walang makakaintindi

At sa pagharap sa bawat umaga
Maiisip na hindi tama ang umasa
Na may mangyayari ng walang dahilan
At may gagawa sa harap ng karimlan

Kaya babangon at tatayo
Sa lungkot pipiliting lumayo
Sapagka't may bibigyang saya
Pangako ng mga salitang may pag-asa
Sa pagsasalita sa madla
Sa pagninilaynilay, sa pangunguna

May nangangailangang higit
Sa lakas ng bantay; ng nasa gipit
At sa kanyang hinahon at alalay
Kahit na siya ay laon ng nangangalay

Kaya babangon at tatayong muli
Ang mga ngiti ibabalik sa labi
Kahit gaano kasakit ang pakiramdam
Walang sinuman ang dapat makaalam

Sapagkat ang bawat gabi ay pagpanaw
At ang umaga ay may sikat at linaw
At ang pagpapahinga ay malaon pa
Siya ay kailangan ngayon na

At sa pagtatapos ng isang ala-ala
Nais kong muling may makita
Kahit isang gitling na halaga
Ng ginugol na lakas at sigla

Muling pagyakap sa dilim ay harapin
Upang sariling liwanag ay aking kamtin

--Vash--9:27pm, Aug.29, 2008

Pagbabalik

Nagbalik ang ginintuang salita ng Dakilang Makata
Sa Kanyang pag-uri sa mundo at pagsasalita
Na walang humpay na paglipos sa pahirap at dusta
Walang tigil sa pakikihabok, batikang lubha

Sapagkat minsan ay kinakailangang humanay na muli
Sa lupain ng kadiliman, kung saan walang bahaghari
Na sakop ng panaginip at ng ibang may mga mithi
Na magtagumpay sa mga minahal kong lipi

Na wari ang ating buhay ay lipos
Kahit ng hirap at paghihikahos
Na wari tayo ay nakapiring at nakagapos
Na sa umaga walang pag-asang talos

Walang kapahingahan sa Dakilang Makata
Na sa mundo, kaalinsabay ng mga nilikha
Muling susulat, muling kakatha
Ng mga salitang iyong kailangang lubha
-----------
--August 27, 2008; 11:46am (for salve)

An ode to a smile: a poem

--
Can u remember
the 14th of december
creating our stories and plot?

Did we seem happy
On the End of February
Back then, we were close, were we not?

I cannot conjure
nor create any reason why
those days should be forgot.

The summer passed
And some things have changed
And now, we must part, and let go

A new road was opened
and there, you must walk
and not walk, but run; time was slow

I don't have to say the words
I hate farewells and letting go
So don't say goodbye; Say Hello.
--Vash [11:41- Aug 13, 2008]

Araw at Ikaw, Bituin at Pagyakap sa Gabi

---
Kailanman ay hindi makikita ang mga bituin sa pagsapit ng liwanang ng umaga, kasabay ng araw at ang kanyang mga sikat. Unawain nawa ito ng lahat.

Narito ako para ituro sa iyo ang isang araling akin lamang para ituro.

Maaaring ako'y ang Araw, ako na iyong tinanaw ng matagal na panahon, at paminsan-minsan ay nakasama, inilawan ka ng may ilang panahon sa maraming dilim ng iyong buhay, at gabay sa ilang panahon. Maari nga. Ngunit hindi mo makikilala ang kagandahan ng bituin sa kadiliman ng langit kung hindi lalayo at mawawala pansamandali ang araw. Hindi mo matatanaw sa kalangitan ang kislap ng tala, kung ang araw ay nakayungyong sa iyong buong pagkatao.

Limutin mo pansamantala ang araw, at yakapin ang gabi.

Habang nariyan ang bituin sa iyong tabi, muli't muli mo na itong titigan, at kalimutan minsan ang araw. Masarap ang gabi, at masaya ang pagpanaw ng liwanag ng araw. At sa paglipas ng araw, kapalit ay ngiti ng gabi. Maging masaya ka sa piling nito, at maalala ang araw na iyong dating minahal.

Hindi lahat ng gabi ay malungkot, hindi lahat ng araw ay masaya. Pabayaan mong matulog ang araw, at gisingin mo ang tala sa iyong puso sa pagharap sa gabi. Harapin mo itong may ngiti, dahil alam mong hinihintay ka niya.

Kamusta, at isang sandaling Pagpapaalam,
Hanggang sa muli,

--Sir Vash
[The Immortal]
AUGUST 26, 2008; 10:56pm