Tuesday, November 3, 2009

Walang Tulog [Vol.1]


--
Kanina pa kita Minamasdan
Payapa at Mahimbing
Ang Iyong Pagtulog.

At sa tabi ko
Nakahilig sa aking braso
Daigdig ng Panaginip ay yakap
Relo ng mundo ay lumalakad
Elisi nito ay tila nakikisabay
Sa Iyong paghinga; puno ng hinay.

Mundo ay nakahimlay
Andito ako at nakabantay
Umaga ay hinihintay

Malungkot ang magdamag
Malamig; madilim at tahimik
Ngunit andito lang ako
Gising sa tabi mo

Isama mo ako sa Iyong panaginip
Kahit na wala akong idlip.

--Vash
Nov.1, 2009, 4:03am

2 comments:

Christina Rosette said...

katouch nman...the right poem(poem nga ba?) for an insomniac...kung hnd ka mk2log, mgbntay k nlang...^^,

JESSICA♥ said...

-- alam ko toh sir :) haha! ito po yung binasa mu infront of the class. kiLig kilig ! :) ASTiiG ka tlaga sir:) kaia MAHAL NA MAHAL KiTA E :)