Saturday, September 13, 2008

Araw at Ikaw, Bituin at Pagyakap sa Gabi

---
Kailanman ay hindi makikita ang mga bituin sa pagsapit ng liwanang ng umaga, kasabay ng araw at ang kanyang mga sikat. Unawain nawa ito ng lahat.

Narito ako para ituro sa iyo ang isang araling akin lamang para ituro.

Maaaring ako'y ang Araw, ako na iyong tinanaw ng matagal na panahon, at paminsan-minsan ay nakasama, inilawan ka ng may ilang panahon sa maraming dilim ng iyong buhay, at gabay sa ilang panahon. Maari nga. Ngunit hindi mo makikilala ang kagandahan ng bituin sa kadiliman ng langit kung hindi lalayo at mawawala pansamandali ang araw. Hindi mo matatanaw sa kalangitan ang kislap ng tala, kung ang araw ay nakayungyong sa iyong buong pagkatao.

Limutin mo pansamantala ang araw, at yakapin ang gabi.

Habang nariyan ang bituin sa iyong tabi, muli't muli mo na itong titigan, at kalimutan minsan ang araw. Masarap ang gabi, at masaya ang pagpanaw ng liwanag ng araw. At sa paglipas ng araw, kapalit ay ngiti ng gabi. Maging masaya ka sa piling nito, at maalala ang araw na iyong dating minahal.

Hindi lahat ng gabi ay malungkot, hindi lahat ng araw ay masaya. Pabayaan mong matulog ang araw, at gisingin mo ang tala sa iyong puso sa pagharap sa gabi. Harapin mo itong may ngiti, dahil alam mong hinihintay ka niya.

Kamusta, at isang sandaling Pagpapaalam,
Hanggang sa muli,

--Sir Vash
[The Immortal]
AUGUST 26, 2008; 10:56pm

1 comment:

Anonymous said...

nice ... how i wish n sana pra sa akin n lng ito hehehehehehehe